10

By

Presyo ng bilihin pagtapos ng Ompong, ‘di dapat umakyat – DTI

Sharing is caring!

Hindi dapat sundan ng pagtataas ng presyo ng mga bilihin ang pananalasa ng bagyong Ompong.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na sapat naman ang suplay ng mga basic at prime commodities bukod sa bukas ang lahat ng mga pamilihan kaya walang dahilan na magtaasan ang presyo.

“Wala tayong inaasahang pagtataas ng presyo. Iyon pa rin ang buying price,” sabi ni Lopez sa pulong balitaan sa Tuguegarao, Cagayan na pinakang-hinagupit ng bagyo.

Ayon sa kalihim, pag-alis ng bagyo, nag-ikot sila sa lalawigan at nakita nila na sapat ang suplay ng mga panindang pagkain at pangunahing pangangailangan.

“May supply at within SRP (suggested retail price) kaya importante na yung daanan ng supply ay passable para madala ang mga produkto,” dagdag ng kalihim.

Ang basic commodities ay tumutukoy sa bigas, mais, mantika, marine products (fresh at dried), itlog, karneng baboy, karneng baka, karne ng manok, fresh vegetables, halamang ugat, asukal at prutas.

Kasama rin dito ang isda, processed milk, kape, sabong panlaba, detertgent, candies, tinapay, asin, inuming tubig at instant noodles.

Kabilang naman sa prime commodities ang dried pork, dried beef, poultry meat, fresh dairy products (na wala sa basic necessities), sibuyas, bawang, suka, toyo, fertilizer, pesticide, construction materials, baterya at iba pang kailangan sa pagtatayo ng bahay.

“Marami pong suplay kaya hindi po kailangang mag-panic buying,” sabi pa nito.

Aminado naman na kailangang bantayan ang pagtaas ng presyo ng construction materials ngayong inaasahan ang malaking pangangailangan dito dahil maraming bahay ng sinira ng bagyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?