204

Jan 2, 2018 @ 18:05
By

Presyo ng bilihin, bahagyang tataas – DTI

Dahil sa inaasahan pagtaas ng presyo ng mga bilihin bunga ng bagong tax reform package ng administrasyong Duterte, anumang ngayong linggo ay maglalabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng suggested retail price (SRP) guide.

Tiniyak naman ni Trade Sec. Ramon Lopez na hindi naman magiging kalakihan ang price increase sa ilang bilihin dahil sa Tax Reform For Acceleration And Inclusion o TRAIN law.

Aniya, ang pangbawi na lang ng gobyerno sa pagtaas ng presyo ng ilang bilihin ay wala ng babayarang buwis ang mga sumusuweldo ng hindi tatatas sa P250,000 kada taon.

Noong nakaarang Disyembre 19 pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang TRAIN Law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?