nfa1

Presyo ng bigas bababa sa Hunyo – NFA

Sharing is caring!

Inaasahang bababa ang presyo ng bigas sa unang linggo ng Hunyo dahil sa inaasahang pagdating ng inangkat 250,000 metriko toneladang sa ibang bansa.

Ayon kay NFA spokesperson Rex Estoperez, posibleng dumating sa Pilipinas ang mga bigas na inangkat sa Thailand at Vietnam simula Mayo 31.

Sa oras na dumating ang mga bigas, agad umano itong ibebenta sa mga pamilihan.

“Pag dating ng bigas ng NFA, we sell in the markets, then we expect na bababa ang presyo,” sabi ni Estoperez.

“That’s our priority na sinasabi ng President sa ating Administrator — stabilize the price and supply in the market,” dagdag nito.

Sa kasalukuyan, ang subsidiya ng gobyerno para sa imported race ay mula P25.00 hanggang P30.00 kada kilo.

Ang mga darating na suplay ng bigasy ay 120,00 metric tones mula sa Thailand habang ang natitirang 120,000 MT ay galing naman sa Vietnam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?