158

May 1, 2021 @ 11:26
By

Pressured makapasok sa playoffs? Spoelstra, Butler nagtalo kahit panalo

Nilantad ni Miami Heat superstar Jimmy Butler na nagkaroon sila ng alitan ni Erik Spoelstra sa kanilang panalo kontra San Antonio Spurs.

“We got in a little predicament, but it’s nothing new,” ayon kay Butler sa panayam ng South Florida Sun Sentinel.

Paliwanag ni Butler, normal lang ang bangayan sa pagitan niya at ng Fil-American coach dahil gusto lang nilang manalo.

“Everything’s not all good all the time. But we both want to win; we both have the same agenda. So I think that he’s helping me grow a tremendous amount, talking about leadership as a player and what to look for with my guys,” paliwanag ni Butler.

Posibleng nag-ugat ang tensyon lalo’t nasa ika-seventh spot ang Miami sa Eastern Conference, ibig sabihin ay delikado pa sa playoffs at posibleng lumaro pa sa play-in tournament.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,