19

May 5, 2021 @ 17:10
By

Press freedom malaking isyu sa 2022 presidential elections – Gabriela

Naniniwala si House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas na magiging malaking isyu ang press freedom sa 2022 presidential elections bunsod ng pagsasara ng ABS-CBN broadcasting network noong nakaraang taon.

Ayon kay Brosas mahalagang masagot ng mga aspirante ng Malacañang ang isyu.

“Hindi pwede iyong sumuporta sa power-tripper na tinanggalan ng prangkisa ang ABS-CBN, tinanggalan ng trabaho ang libu-libong empleyado, at tinanggalan ng akses sa balita ang milyun-milyon nating kababayan,” sabi ni Brosas.

Ipinakita umano ni Duterte ang pagiging desperado nito na mapatahimik ang media nang ipasara nito ang ABS-CBN broadcasting network sa pamamagitan ng kanyang mga alipores.

“If anything, the ABS-CBN shutdown demonstrated Duterte’s deepest desperation to solidify his tyrannical rule. Nakita natin kung paano niya ginamit ang NTC (National Transmission Commission), OSG (Office of the Solicitor General), at maging ang mga kakampi niya sa Kongreso para tanggalin sa ere ang ABS-CBN,” dagdag pa ng lady solon.

Umaasa rin si Brosas na kung sinuman ang magiging susunod na lider ng bansa ay hahayaan nito na mabaliktad ang ‘crazy madman’s show’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?