By

Preso patay sa masikip, mainit at mabahong selda sa Pasay

Sharing is caring!

Patay ang isang preso habang pito pang bilanggo ng Pasay City Police Detention Cell ang hinimatay dahil sa sobrang init, baho at pagsisiksikan sa loob ng kanilang selda.

Dead on arrival sa Pasay City General Hospital ang preso na si Domingo delos Santos, may kasong may kinalaman sa iligal na droga matapos na atakehin sa puso.

Una rito, nagsagawa ang may 108 preso mula sa male detention cell ng noise barrage para ireklamo ang masamang kondisyon sa loob ng bilanguan at kawalan ng aksyon dito ng mga pulis.

Hinamatay ang walong preso habang nag-iingay sa loob ng kanilang selda.

Pansamantalang inilipat ang pitong hinimatay na preso sa airconditioned na opisina ng Station Investigation and detentice management branch ng Pasay City Police habang nagpapalakas.

Napilitan naman ang mga imbestigador ng istasyon na mag-opisina sa labas dahil sa mabahong singaw mula sa katabing kulungan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?