338

By

Presidential Spokesman Roque out, Panelo in?

Sharing is caring!

Naitanong kay Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo kung siya na ba ang napipisil na kapalit ni Harry Roque sakaling bakantehin nito puwesto sa Palasyo.

Ngunit hindi ito itinanggi o kinumpirma ni Panelo sa ulat na siya ang susunod na Presidential Spokesperson.

Bunsod na rin ito ng inaasahang pagtakbo sa pagka-senador ni Presidential Spokesman Harry Roque sa midterm elections sa Mayo 2019.

Ayon kay Secretary Salvador Panelo, dati naman itong nagbibigay ng pahayag sa media.

Bahagi aniya ng kanyang tungkulin bilang Chef Presidential Legal Counsel ay maging tagapagsalita ng Presidente sa ilang mahalagang national issues.

“Under the nature of the staff of the Chief Presidential Legal Counsel for executive orders of previous Presidents, ang function ko hindi lamang ako chief legal counsel but spokesman of the President on certain national issues.

In fact, ‘yon naman ang ginagawa ko ever since. May spokesman na, but kung kailangan akong pumasok ‘pag may mabibigat na isyu, (gagawin ko)” ani Panelo.

Naunang sinabi ni Roque na kapag nagsumite na ng certificate of candidacy ang isang opisyal ng gobyerno ay maituturing na bakante na ang puwesto nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?