784

Mar 19, 2019 @ 16:50
By

Presidential candidate Andrew Yang, hindi pabor sa pagtutuli

Malaki ang paniniwala ni Democrat presidential hopeful Andrew Yang na hindi dapat ipinapatuli ng mga magulang ang kanilang mga anak sa kadahilanang pangkalusugan.

Sa panayam sa kanya sa The Daily Beast, sinabi ni Yang na itutulak niya ang polisiya na magbibigay impormasyon sa mga magulang na hindi na nila kailangang ipatuli ang mga bata “for health reasons”.

Si Yang ang unang presidential candidate sa kasaysayan na may posisyon hinggil sa circumcision.

Ang pagtakbo niya sa pagka-pangulo sa Amerika ay nagsimula sa grassroots donations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?