237

Nov 20, 2021 @ 17:29
By

Presidentiable na nagko-cocaine aalamin ng PDEG

Naka-toka na umano ang Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) para pag-aralan ang impormasyong nakalap ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa isang presidential aspirant na gumagamit ng cocaine.

Matatandaang sa isang talumpati ay may binanggit si Duterte tungkol sa isang presidentiable na gumagamit ng cocaine, ngunit ‘di niya ito pinangalanan.

“PDEG has been tasked to work on the said info,” saad ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos sa isang text message ngayong Sabado.

Hindi naman naibigay ni Carlos ang detalye kung may impormasyon na ang pulisya tungkol sa naturang presidentiable o nalaman lang nila ito nang banggitin ni Duterte.

“He is a very weak leader—his character—except for the name. The father [was], but him? What has he accomplished? He may win hands down. OK. If that is what the Filipino wants, go ahead, as long as you know,” saad ni Duterte sa naturang talumpati, na tungkol sa naturang presidentiable.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?