62

Dec 21, 2017 @ 17:48
By

Presidente ng ospital, kontraktor kinasuhan ng tax evasion

Isang ospital sa Lungsod ng Olongapo at isang kontraktor sa Pampanga ang nahaharap ngayon sa reklamong tax evasion sa Department of Justice (DOJ).

Partikular na inireklamo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng paglabag sa National Internal Revenue Code ang Our Lady of Lourdes International Medical Center Inc. at presidente nito na si Dr. Noel Jusay Lacsamana; gayundin si Jeric Maninang ng J.U.M. Construction na nakabase sa San Fernando City, Pampanga.

Ayon sa BIR, aabot sa P15.709 million ang tax liability ng Lourdes Medical mula November 2015 hanggang June 2017.

Nadiskubre ng BIR na hindi ini-remit ng ospital ang withholding tax na kinaltas nito mula sa kompensasyon ng kanilang mga empleyado kabilang na ang buwis na mula sa professional fee ng kanilang nga doktor.

“Routine verification from the Revenue Data Center revealed that Lourdes Medical is in the list of those who electronically filed their tax returns without the corresponding payment. Despite various notifications, the respondent hospital still failed to settle its outstanding account and to remit taxes due to the BIR,” turan ng BIR.

Samantala, hinahabol naman ng BIR si Maninang dahil sa P12.447 na halaga ng hindi nabayarang excise tax nang dahil sa paggamit umano niya ng pekeng tax stamp mula sa 60 kahong sigarilyo na natagpuan mula sa truck na na-impound sa Bacolor Municipal Police Station.

“Maninang introduced himself as the owner and was asked to open the truck. The police saw 60 boxes, more or less, of assorted cigarette products of Marlboro and Philip Morris which were all wrapped in sacks. Suspicious of its contents, the police reported their discovery and requested assistance from the BIR to validate the authenticity of the stamps in the cigarettes,” paliwanag ng BIR.

Nakumpirma ng BIR mula sa isinagawang validation na ang lahat ng tax stamp na nakalagay sa mga pakete ng sigarilyo na nadiskubre mula sa truck na pagmamay-ari ni Maninang ay peke.

“The stamps are fake since they did not contain one of the multi-layered security features of a valid internal revenue stamp. Official delivery receipts/invoices are required to ensure and confirm that the proper taxes are paid before articles subject to excise tax are removed from the production plant,” dagdag ng kawanihan.

Tinukoy pa ng BIR na nabigo rin si Maninang na ideklara na bahagi ng kanyang negosyo ang pagbebenta ng sigarilyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?