228

May 8, 2019 @ 15:30
By

Presidente ng EARIST, isa pang opisyal sugatan sa ambush

Nakaligtas sa kamatayan ang presidente at isa pang opisyal ng Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) matapos silang tambangan sa Paco, Manila.

Ayon sa report ng Manila Police District (MPD), nangyari ang insidente noong Mayo 2.

Sakay umano ng SUV sina EARIST President Editha Pillo, 60, at Catalino Buenvenida, 52, pinuno ng Transportation and Motorpool Services ng paaralan, at nasa Pedro Gil corner Antonio Street nang pagbabarilin sila ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

Matapos ang pamamaril, tumakas patungong P. Quirino Avenue sa Paco ang mga suspek habang nadala ng mga biktima ang kanilang sarili sa Manila Doctors Hospital.

Nagtamo ng tama ng bala sa katawan si Pillo habang sa kaliwang bisig si Buenvenida.

Hanggang sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa umano ang insidente at marami pa umano silang anggulo na tinitingnan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?