165

Jul 21, 2021 @ 17:43
By

Presidente kailangang may utak – Enrile

Ayon kay dating Senate President Juan Ponce Enrile, hindi muna niya isisiwalat ang susuportahang kandidato sa pagka-presidente sa nalalapit na eleksyon 2022.

“I select my own candidates and that is a secret,” aniya sa panayam sa “Politiskoop” nitong nitong Hulyo 21.

Nang siya’y tanungin kung anong tipo ng kandidato ang nais suportahan, nanatiling tikom ang kanyang bibig dahil aniya, mahirap na at baka sabihin ng sambayanan na mayroon siyang pinapaboran.

Ngunit ayon sa kanya, ang pagiging isang presidente ay kailangan ng utak at kakayahang gumawa ng tamang desisyon para sa bayan.

Payo niya sa susunod na magiging presidente ng bansa, maghanda sa hindi inaasahang kaguluhan dahil sa mga kasalukuyang nangyayari at isa na rito ang patungkol sa West Philippine Sea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?