xi-jinping

President Xi Jinping, bumisita sa naval exercises sa South China Sea

Sharing is caring!

Sorpresang nagpakita si Chinese President Xi Jinping sa Chinese People’s Liberation Army (PLA) Navy fleet sa South China Sea nitong Huwebes.

Binisita ng lider ang naval exercises na ginagawa sa South China Sea kasunod ng paghahanda sa gagawin nitong live-fire drills sa Taiwan Strait dahil sa tensiyon sa pagsuporta ng Amerika sa Taiwan.

Nasa 10,000 tauhan ang lumahok sa drills, kabilang na ang 48 naval vessels at 76 fighter jets, ayon sa ulat.

Pumarada rin ang nag-iisang aircraft carrier ng China na Liaoning kasama ang J-15 fighter jets.

Naging sentro ng krisis ang rehiyon matapos sabihin ng US na ang pagtatayo ng artipisyal na isla ng China na may kapabilidad na maglagak ng military equipment ay banta sa freedom of navigation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?