80

Jun 14, 2021 @ 12:26
By

‘Pres. Sara’ at ‘VP Digong’ hindi iligal – Lacson

Ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, walang batas na nagbabawal para kina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte na parehong magsilbi sa Malacañang nang sabay.

Sa panayam ng ‘Headstart’ ng ANC, pinaliwanag ni Lacson na bagama’t nakasaad sa Konstitusyon na bawal ang political dynasty, walang batas na nagsasabing iligal ito.

“Definitely [a political dynasty]. But there is no legislative measure passed in that regard,” sambit ni Lacson nang tanungin kung political dynasty ba ang mangyayari sakaling magkasabay sa Palasyo ang mag-ama.

“It is in the Constitution that bars political dynasty, but there should be an enabling law and that’s what is lacking… so it is not illegal,” paliwanag pa.

Dagdag ng mambabatas, malabo umanong tumakbo bilang tandem sina Digong at Inday Sara, dahil base sa kanilang nakuhang impormasyon ay may hiwalay na slate ang dalawang Duterte.

“Both of them running in the same slate, I don’t think it will happen. The information that is reaching us is that Mayor Duterte is running under a different slate from that of Mayor Sara Duterte. It’s Sara and somebody else, and then somebody else and President Duterte,” saad ni Lacson.

“The possibility that both of them would be elected into office is there, but I don’t see the probability of them running together under one ticket,”  aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?