15

Nov 24, 2021 @ 15:52
By

Prepaid sim gamit! Utak ng spam message mahirap mahuli – NTC

Aminado ang National Telecommunications Commission (NTC) na mahirap mahanap ang nasa likod ng mga spam message dahil prepaid sim card ang gamit ng mga ito.

Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios, ang mga telecommunication company ay walang database ng mga may-ari ng prepaid sim card, ‘di tulad ng mga postpaid sim.

“Kapag talaga prepaid mahirap ma-trace,” ani Cabarios sa panayam ng Super Radyo dzBB ngayong Miyerkoles.

Bilang sagot umano sa problemang ito ay dapat magkaroon ng mandatory na pagrerehistro ng mga numero ng sim card.

Ito raw ay dahil sa 150 milyon na mobile subscriber sa Pilipinas, 3% lamang ang gumagamit ng postpaid na sim.

Kasalukuyang nakahain sa senado ang SB No. 176, na siyang magmamandato sa mga may-ari ng prepaid sim card na irehistro ang kanilang numero kasama ang valid ID at larawan nila.

Samantala, tinitingnan naman ng National Privacy Commission na isang malaking sindikato ang nasa likod ng kumakalat ng spam text message. (mjd)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?