78

Nov 25, 2021 @ 19:25
By

Prepaid SIM card pinaparehistro

Suportado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagpaparehistro sa mga prepaid SIM card upang malabanan ang SMS spam.

“We know exactly what is wrong with the system. We need to require even those with prepaid cards to register. They have got to be registered. Our system is so loose that we don’t ask for the identity of the card holders,” paliwanag ni BSP Gov. Benjamin Diokno sa isang forum.

Kaugnay nito, nagsanib-puwersa ang mga regulator, telcos, bangko at e-commerce platform para makontrol ang mga aktibidad sa phishing na nauugnay sa SMS.

Ang phishing ay pagnanakaw ng data ng user kabilang ang login credential at credit card number.

Nagpapanggap ang mga salarin na mapagkakatiwalaan sila at nililinlang ang biktima para buksan ang isang email, instant message o text message at manakaw ang personal data nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?