20

Apr 7, 2021 @ 20:13
By

Preno ng truck pumalya 2 todas, 15 sugatan

Dalawa ang nasawi habang 15 pa ang sugatan matapos salpukin ng isang Isuzu Elf Forward ang ilang sasakyan sa Tayabas City, Quezon ngayong Miyerkoles.

Ayon sa ulat, binabaybay ng Isuzu Elf Forward na minamaneho ni Jeffrey Ferreras, 31, ang pababang bahagi ng Quezon Avenue nang mawalan ng kontrol at sumalpok sa siyam na nakahilerang sasakyan ng alas-8:55 ng umaga.

Kasunod noon ay bumangga ang trak sa isang bahay na nasa tabing daan.

Nagtamo ng malubhang pinsala at namatay habang dinadala sa ospital si Ferreras pati na ang kasama niyang helper na si Junathan Simballa, 44.

Sugatan naman ang 12 driver at pasahero ng anim na motorsiklo, dalawang kotse at isang trak na dinala na sa Tayabas Community Hospital.

Isa pang tumatawid at dalawang residente ng sinalpok na bahay ang sugatan.

Ang pagpalya umano ng preno ng elf truck ang sanhi ng insidente, ayon sa Tayabas Police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?