18

Pregnancy photo ni Beyonce, ‘most-liked’ sa Instagram

Sharing is caring!

Ang larawan ni Beyonce ng pag-anunsiyo niya ng kanyang pagbubuntis ng kambal ang pinaka-‘liked’ sa Instagram ngayong taon.

Naipako ng singer ang rekord para sa ‘most-liked’ photo matapos nitong humamig ng 8 milyong ‘likes’ sa loob pa lang ng ilang oras ng pagka-post nito noong Pebrero.

Ito’y larawan kung saan nakatagilid siya at nakaluhod hawak ang kanyang tiyan na nakasuot lamang ng belo at panty, habang sa likuran niya ay may mga bulaklak.

Nilagyan niya ito ng caption kung saan sinabi niyang kambal ang kanyang pinagbubuntis.

“We would like to share our love and happiness. We have been blessed two times over. We are incredibly grateful that our family will be growing by two, and we thank you for your well wishes,” ani Beyonce sa kanyang IG account.

Sa ngayon ay umabot na sa 11.1 million likes ang larawan niyang ito.

Dinomina nito ang top 3, kung saan pangalawa sa listahan ang larawan ni soccer player Cristiano Ronaldo kasama ang kanyang anak na Cristiano Jr. katabi ang kasintahan niyang si Georgina Rodriguez at ang bagong panganak nilang anak na si Alana Martin sa isang ospital na nakakuha naman ng 11 million likes.

Si Selena Gomez, na nanatiling most-followed celebrity sa Instagram, ay nasa pangatlo lang ng most-liked picture sa anunsiyo nito sa kanyang kidney transplant nitong Setyembre kasama ang kanyang kaibigan na si Francia Raisa kung saan magkahawak-kamay sila matapos ang operasyon ni Selena, na nakalikom naman ng 10.3 million likes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }