461

Nov 12, 2017 @ 11:28
By

Pre-wedding party nina Anne-Erwan grandioso

HINDI man ini-announce ni Anne Curtis ang mga detalye ng kanyang kasal kay Erwan Heusaff, may maililihim pa nga ba ngayon sa social media?

May pa-pre-wedding party muna sina Anne at Erwann kahapon, November 11 na ginanap sa Arthur’s Point, Queenstown, New Zealand na base sa mga pictures na na-post ng mga bisita nila, hindi na kailangan ng anumang production design dahil the place itself was a grand production. With mountain, pine trees, lake and greenery surrounding.

Anne was wearing a Vera Wang a sexy, bohemian white long dress and a pair of white heart-shaped sunnies. Halos lahat ng mga guests nina Anne at Erwann described Anne as the most beautiful and coolest bride.

Ilan sa mga kaibigan ni Anne sa showbiz na present sa #thewanforanne wedding ay ang mag-ex na sina Angel Locsin at Luis Manzano kasama ang mga “present” nila na sina Neil Arce at Jessy Mendiola. Dra. Vicki Belo, Doc. Hayden Kho & Scarlet.

Anne’s friends since her teenage years na sina Cheska Kramer, Danica Sotto and the It Girls na sina Georgina Wilson, Isabelle Daza and of course, Anne’s sister-in-law na si Solenn Heusaff and husband, Nico Bolzico.

Kumpleto halos ang buong It’s Showtime family sa wedding nina Anne ar Erwan tulad nina Vice Ganda, Karylle, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Atienza.

Ngayong araw na ito, November 12 ang wedding nina Anne at Erwan. (ROSE GARCIA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?