486

Dec 15, 2017 @ 18:23
By

Pre-debut photos ni Isabelle Duterte sa Malacañang sinita ng netizens

Sa January 19, 2018 pa magaganap ang debut party ng presidential granddaughter na si Isabelle Duterte sa isang kilalang hotel sa Makati City, pero ngayon pa lang ay pinag-uusapan na ‘yon dahil kumalat na sa social media ang pre-debut photo shoot ng apo ni President Rodrigo Duterte na ginanap mismo sa Malacañang Palace noong Thursday (December 14).

Bago ‘yon, nakatanggap kami ng ‘Save The Date’ invitation mula sa nanay ni Isabelle, si Lovelie Sangkola Sumera (hiwalay na ito at ang tatay ni Isabelle na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte), sa aming Instagram account noong Wednesday.

Sa isa sa mga picture na lumabas sa social media ay naka-red gown si Isabelle na mala-princess ang dating. Maraming magagandang komento tungkol sa pre-debut photo shoot ng very fashionable granddaughter ni Pres. Digong dahil ang ganda-ganda roon ni Isabelle, pero hindi rin naman maiwasang marami ang pumupuna sa bagay na ‘yon, lalo na sa pictures na kita ang Sagisag ng Pangulo ng Pilipinas.

Obvious na iniintriga si Isabelle ng ilang netizens dahil sa pre-debut photo shoot, sabi naman ng iba na ay walang masama roon dahil apo siya ni Pres. Digong.

Samantala, ilang beses na rin naming nakakatsikahan si Isabelle and in fairness, mabait ang apo na ito ni Pres. Digong. Fashionista man ang dating ni Isabelle sa marami, hindi naman siya ‘yung tipong isnabera at kapag kinakausap mo siya, nakikipagkuwentuhan naman siya.

Nakilala nga pala namin si Isabelle dahil kay Annabelle Rama. Ang alam namin, magaling kumanta ang apo na ito ni Pres. Digong at iko-co-manage siya ni Tita Annabelle with Viva Artists Agency ni Boss Vic del Rosario.

Kapag kinukumusta naman namin kay Tita Annabelle si Isabelle, ang alam daw niya ay ayaw naman itong payagang mag-artista ni Vice Mayor Paolo.

“Tinanong ko kasi si Isabelle, ayaw nga raw siyang payagang mag-artista ng tatay niya. Gusto raw na ang priority niya, eh, studies niya,” sey lang ng talent manager.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?