17

Jul 16, 2021 @ 17:02
By

PRC bukas sa lusaw board, bar exams

Pinag-aaralan ng Professional Regulation Commission (PRC) ang posibilidad na pagtanggal sa mga government licensure examination.

Pero sabi ni PRC chairman Teofilo Pilando Jr., ang mga policymaker pa rin ang makakapagdesisyon tungkol dito.

“‘Yan ay pinag-aaralan din namin pero ‘yang mga examinations po ay mandated by the law. We defer to the policymakers,” wika ni Pilando sa isang virtual briefing tungkol sa pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa paglusaw na sa board at bar exams.

Inilutang ni Bello ang idea noong nakaraang buwan sa pakikipagpulong sa Philippine Nurses Association (PNA) at Board of Nursing.

Ani Bello, sapat na ang ilang taong pag-aaral ng mga estudyante para maging handa sa kanilang trabaho pero hindi ito sinuportahan ng PNA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?