25

Jan 28, 2020 @ 16:21
By

PRC: 94K bata sa Mindanao nabakunahan vs polio

Umaabot sa 94,014 kabataan mula sa Mindanao ang nabigyan ng libreng bakuna mula sa Philippine Red Cross (PRC), kasabay ng programang Sabayang Patak Kontra Polio para sa kabataang nasa 0 hanggang limang taong gulang.

Ayon sa report ng PRC, nasa third round na sila ng vaccination program sa Mindanao na sinimulan noong January 20 at magtatapos hanggang February 2 habang sa National Capital Region (NCR) ay sinimulan ang kampanya noong on January 27 at magtatapos hanggang February 7.

Nasa 1,000 trained PRC volunteers and staff ang nakiisa sa mass immunization na hinati sa apat na teams composed kasama ang Leader, Vaccinator, Recorder at Health Educator/Hygiene Promoter.

“Our target number for the children to be vaccinated this year is 60,000 and as expected, the numbers exceeded anew. PRC wants your children to be safe. Vaccine is the most effective way to prevent polio since there are new cases recorded by the Department of Health,” ayon kay PRC Chairman and CEO Richard Gordon.

Layunin ng PRC na maisalba sa pamamagitan ng pagbabakuna sa mga kabataan na naapektuhan ng Bagyong Tisoy at Ursula, at ang mga nasa Taal Operations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?