122

Jan 26, 2019 @ 21:30
By

Prangkisa ng Mislatel hindi binawi – DICT Asec. Rio

Pinabulaanan ni Department of Information and Communications Technology (DICT) acting secretary Eliseo Rio ang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na maituturing nang kanselado ang prangkisa ng Mislatel dahil sa kabiguan nitong sumunod sa kondisyon nito.

Sa Facebook post sinabi ni Rio na malayo ito sa katotohanan.

“First, NTC (National Telecommunications Commission), during the pre-qualification period, wrote Congress if the franchise of Mislatel is still valid, and got the answer that on record, their franchise has never been revoked,” aniya.

“In other words, since there is no declaration of revocation by competent authorities, NTC has no right to consider the franchise as revoked as the presumption of regularity and the validity of the franchise must be respected,” dagdag pa nito.

Makakansela lang umano ang prangkisa ng Mislatel kung maghahain ng quo warranto petition laban dito.

Sa akusasyon ni Drilon, nilabag umano ng Mislatel ang kondisyon sa prangkisa nito nang mabigong mag-operate isang taon matapos itong pagkalooban ng lisensiya.

Ang Mislatel o Mindanao Islamic Telephone Company, Inc., ang siyang napiling maging 3rd telco player sa Pilipinas na babasag sa duopoly ng PLDT at Globe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?