73

Jul 18, 2019 @ 13:21
By

Prangkisa ng CBCP, pinalawig ng 25 taon

Ni-renew ng panibagong 25 na taon ang prangkisa ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at TV5 Network Inc. matapos mag-lapse into law ang enrolled bill para sa renewal ng franchise ng mga ito.

Hindi nalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enrolled bill sa takdang panahon kaya tuluyan itong naging batas.

Batay sa isinasaad ng Article 6 Section 27, maikokonsiderang lapse into law o awtomatikong magiging batas ang isang enrolled bill kung hindi ito aaksyunan ng Presidente sa loob ng 30 araw, matapos na ito’y makarating sa kanyang tanggapan.

Sa kopya ng Republic Act No. 11319 para sa CBCP franchise at Republic Act 11320 ng TV 5 Network Inc., parehong nag-lapse into law ang dalawa sa petsang Abril 22, 2019.

Dahil dito, patuloy na magagamit ng dalawa ang frequencies at channels para sa kanilang radio at television broadcasting kasama na ang digital television at anumang bagong teknolohiya na may kaugnayan dito.

Magiging epektibo ang batas 15 araw matapos ang official publication nito sa mga pahayagan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?