96

Jul 5, 2020 @ 22:11
By

Prangkisa malapit na pagbotohan! ABS-CBN ipagdasal na – Jake Cuenca

Nanawagan si Kapamilya actor Jake Cuenca sa madla na isama sa pagdarasal ang ABS-CBN na tigil-operasyon dahil sa pag-expire ng prangkisa noong Mayo.

Ayon kay Jake, bukas ay posibleng iiyak sila dahil sa lungkol o saya dahil sa napipintong pagdedesisyon ng Kongreso para sa kanilang network.

“Praying for ABS-CBN tonight and the 11,071 Kapamilya out there. [Tomorrow] we cry either tears of joy or tears of sadness but no matter what we cry together as one bilang mga Kapamilya. Walang iwanan mga Kapamilya kapit lang,” ayon kay Cuenca.

Sa Lunes ay posibleng pagbotohan na ng mga kongresista kung bibigyan ba ng panibagong 25 year franchise o tuluyan nang ipapatigil ang operasyon ng ABS-CBN Corp.

Ayon kay Cong. Franz Alvarez, ang chairperson ng House Committee on Legislative Franchise, kung sakaling matapos na bukas ang mga agenda sa mga pagdinig hingil sa ABS-CBN franchise renewal ay posibleng gawin na rin ang botohan para dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?