190

By

Praktis ng SMB sinarado na sa publiko

Matapos ang nangyaring gulo sa ensayo ng San Miguel Beermen sa Upper Deck Sports Center sa Pasig City Linggo ng umaga, hindi na pinayagan ang audience sa practice ng koponan.

Ayon sa Spin.ph, sinubukan nilang bisitahin ang practice ng koponan nitong Lunes sa Acropolis Gym pero hindi sila pinayagang makapasok ng mga security guard.

Tahimik din ang mga coach at opisyal ng SMB tungkol sa insidente.

Nagsimula ang girian sa pagitan nina Kelly Nabong, Arwind Santos, Ronald Tubid at import Dez Wells nang bumagsak ang huli sa hard pick ni Santos.

Nagkaayos naman sina Santos at Wells pero biglang umentra si Tubid at sinapak si Wells.

Ginanti naman ni Nabong si Wells at dito na nagkagulo sa practice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?