53
ABANTE voting machine comelec
Jan 17, 2019 @ 13:37

‘Praktis’ ng eleksyon, gaganapin sa Sabado

Magsasagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng mock elections bilang bahagi ng paghahanda sa midterm polls sa Mayo.

Sa inilabas na advisory ng Comelec, mahigit 20 lugar sa bansa ang pagdarausan ng mock elections na itinakda sa January 19, ala-singko ng umaga hanggang ala-una ng hapon.

Kasali sa mock polls ang walong lugar sa National Capital Region (NCR), apat sa Luzon, apat sa Visayas at sampu sa Mindanao.

Sa NCR, idaraos ito sa Quezon City, Maynila, Pasig, Taguig, Pateros, Valenzuela sa Muntinlupa.

Gagawin din ito sa Pangasinan, Cagayan, Cebu, Bohol, Zamboanga Del Norte, Davao del Sur, South Cotabato at Basilan.

Ang mock elections ang magsisilbing general rehearsal ng lahat ng aspeto ng Automated Elections Systems (AES), mula sa pagboto sa presinto, hanggang sa canvassing at consolidation ng mga boto.

Ayon sa Comelec, sa gagawing mock elections ay malalaman kung maayos nang tatakbo ang mga programa ng tatlong bahagi ng AES, ito ay ang Election Management System, Vote Counting Machine at Consolidation and Canvassing System.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?