92

Aug 5, 2022 @ 19:20
By

Praktikal lang! Hipon Girl inalok ng bahay kapalit ng pagsali sa Bb. Pilipinas

Ibinunyag ni Herlene ‘Hipon Girl’ Budol na naging praktikal siya kaya napag-desisyunan niyang lumahok sa 2022 Binibining Pilipinas pageant.

Sa kanyang vlog na pinost nitong Huwebes, sinabi ni Herlene na inudyukan siya ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

“Yung unang tao na nag-push sa akin, nakakita ng potential bilang beauty queen ay si Sir Wilbert talaga,” kwento ng beauty queen. “Sinabi ko nung una na ayoko, kasi ayoko talaga.”

Hindi umano siya sinukuan ni Wilbert at lagi siyang kinukulit na sumali ng Binibining Pilipinas.

“Alam niyo kung ano ginawa niya? Hindi talaga siya tumigil na i-push ako every day na magkikita kami. Sinasabi niya sa akin, ‘Kaya mo ‘yan, ano ka ba,’” dugtong pa ni Hipon Girl.

Ngunit isang offer lang umano ni Wilbert ang nakapagpabago sa isip niya – na bibigyan siya ng bahay at lupa.

“Alam niyo, in-offer-an niya ako, ‘Gagawin ko sa ‘yo yung ginawa ko kay Madam Inutz, pumasok siya ng PBB [Pinoy Big Brother], bibilhan ko siya ng bahay,” ani Herlene. “‘So, sumali ka ng BBP [Binibining Pilipinas], bibilhan kita ng bahay.’”

Ani Herlene, naging praktikal siya dahil inisip niya rin ang tinutuluyan ng kanyang lolo at lola.

“Praktikal na tayo, hindi naman kami mayaman ng pamilya ko. Kung nakikita niyo naman sa mga vlog namin, wala kaming kisame, mainit yung bahay namin, magulo yung bahay namin,” aniya.

Sa huli, hindi naman binigo ni Herlene si Wilbert dahil hindi lang siya sumali sa Binibining Pilipinas, kundi tinanghal pang first runner-up at nag-uwi ng walong special awards.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?