116

Sep 19, 2021 @ 20:06

‘Praise the Lord’: Rez Cortez cancer-free na

Masayang ibinahagi ng anak ni Rez Cortez na si Cai na malaya na sa sakit na liver cancer ang beteranong aktor.

Sa kanyang IG post noong Sabado, pinakita ni Cai kung gaano na kasigla ang ama, na sumailalim sa liver surgery noong nakaraang buwan.

Pinasalamatan din niya ang lahat ng tumulong sa operasyon ni Rez.

“Thank you so much sa lahat ng nagdasal at nagtanong kung kumusta si daddy. I’m so happy to announce that daddy is cancer-free!” pahayag ni Cai sa video.

“Praise the Lord!” masayang sambit ni Rez sa video.

Panoorin ang video sa baba:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?