28

Oct 27, 2019 @ 20:39
By

Prado, Motolite pasok sa c’ship

Kinarga nina Jovy Prado at Jonah Sabete ang PetroGazz para mawalis ang BanKo, 28-26, 25-17, 25-17, at sakupin ang unang finals berth ng 3rd PVL Open Conference Linggo ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Nanguna sa opensa ng Angels si Prado sa pamamagitan 11 spikes para sa total 13 points, samantalang umagapay si Sabete ng 10 markers upang i-sweep ang Perlas Spikers sa best-of-three semifinals ng midseason women’s indoor volleyfest.

Bakas si Paneng Mercado ng 11 points tampok ang 10 kills habang naatasan naman sa floor defense si Cienne Cruz na naka-18 excellent digs upang manatili sa kontensyon ang team sa second title tapos masakote ang Reinforced.

”‘Yun nga po sabi lagi nila coaches na always na maglaro kayo, isipin lagi natin na parang laro na uuwi agad – na panalo agad,” ani Sabete.

Kinapos naman ang ginawang game-high 15 points ni Nicole Tiamzon na bigong maisalba ang Perlas Spiker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?