54

By

PPP program ni Noy, tuloy — DOF

Sharing is caring!

Nilinaw ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na hindi inaabandona ang public-private partnerships (PPP) na isinulong ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sa diyalogo sa mga kilalang negosyante sa bansa, tiniyak din ni Dominguez na maging ang joint ventures (JV) ay ikinukunsidera rin sa ‘Build, Build, Build’ program ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ng kalihim, kung anong pamamaraan na mas magiging kapakipakinabang sa tao ay iyon ang kanilang gagawin.

Sinabi pa nito na bukas ang administrasyong Duterte sa mga suhestiyon sa pagpapatayo ng mga imprastraktura basta hindi na ito mangangailangan ng subsidiya mula sa gobyerno.

“The past administration relied on PPP exclusively to finance the projects. The situation has changed a bit because our President is beginning to tap a lot of financial commitments,” sabi pa ni Dominguez.

Kinilala rin nito na dahil sa naging diskarte ng nakalipas na administrasyon ay may malaking pondo na naiwan para sa ipapatupad na mga proyekto at programa.

Pagtitiyak pa ni Dominguez, na hindi nila tatalikuran ang naiaambag ng pribadong sektor sa large-scale infra projects dahil kailangan nila ng mga private contractors.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?