47

Oct 6, 2017 @ 11:52

PPCRV natuwa sa postponement ng Barangay, SK elections

Ikinalugod ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa susunod na taon.

Ayon kay PPCRV Chairman Rene Sarmiento, mainam na desisyon ang pag-urong ng nasabing botohan para makatutok na ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa mas mahahalagang bagay.

“It is good the President finally signed the law to postpone the barangay elections. Time, effort, and expense can be channelled to other constructive nation-building concerns,” saad ni Sarmiento.

Aniya, nang dahil sa pagiging ganap na batas ng panukalang pagpapaliban sa halalang pam-barangay, nakahinga na nang maluwag ang mga kasalukuyng opisyal sa barangay, mga posibleng kandidato at mga non-government electoral groups kabilang na ang PPCRV mula sa kawalan ng katiyakan ng nasabing botohan.

Noong Myerkules, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 10952 na nagpapaliban sa halalang pang-barangay sa Mayo ng 2018. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?