359
leo-austria
Dec 19, 2018 @ 12:09
By

Powerhouse na, mas pinalakas pa! Piyesa ni SMB coach Austria, ‘di na masasagad

Sa pagdating ng mga bagong manlalaro ng San Miguel Beermen, magkakaroon na ng tsansang makapagpahinga ang kanilang mga superstar sa susunod na season.

Aabangan ng mga sports fan ang paglalaro ng super scorer na si Terrence Romeo at ang biglang lakas na si Paul Zamar para sa SMB, sasamahan ang tandem nina Chris Ross at Alex Cabagnot.

Kasama pa sa tinaguriang ‘Super Six’ ng San Miguel Beer ay sina four-time PBA MVP June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Arwind Santos at Christian Standhardinger na ayon kay coach Leo Austria, ay nag-a-average ng 35 minuto kada laro.

Gayunpaman hindi dapat makampante, ayon din kay Austria, ang kanyang koponan dahil kahit sa papel ay sila ang naghahari, hindi pa rin sila sigurado para sa kampeonato.

Kasama pa nina Zamar at Romeo sa SMB ay ang rookie na si Ryan Monteclaro, at ang pagbabalik din ni Ronald Tubid sa koponan matapos mai-trade para kay Keith Agovida.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?