65
barangay-sk-elections
By

Postponement ng barangay, SK elections pirma na lang ni Duterte ang kulang

Niratipikahan na ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang panukalang magsususpinde sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) polls sa Mayo 2020.

Dadalhin na ang bicameral conference committee report kay Pangulong Rodrigo Duterte para malagdaan at maging ganap na batas.

Nakasaad sa panukala na imbes sa Mayo 2020 gaganapin ang BSKE, itatakda ito sa Disyembre 5, 2022.

Ang Pangulo ang siyang nanawagan sa Kongreso para sa postponement ng local polls.

Sakaling pirmahan ni Duterte, magiging epektibo rin ang pagpapalawig sa three-year term ng mga incumbent barangay official na nanalo noong May 2018 elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?