ABANTE no election twit reaction koko
By

Postponement ng barangay, SK elections, lusot na sa 2nd reading sa Kamara

Sharing is caring!

Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mayo 14.

Sa ilalim ng House Bill 7378, inililipat ang halalang pang-barangay at SK sa ikalawang Lunes ng Oktubre 2018.

Tumagal lamang ng halos isang oras ang debate sa panukala bago nagbotohan ang mga kongresista sa pamamagitan ng viva voce.

Tanging sina ACT Teachers partylist Rep. Antonio Tinio, Buhay partylist Rep. Lito Atienza at Kabataan partylist Rep. Sarah Elago ang nagtanong sa sponsor ng bill na si CIBAC partylist Rep. Sherwin Tugna, chairman ng House committee on Suffrage and Electoral reforms.

Sa pagdepensa sa bill, sinabi ni Tugna na ang dahilan ng pagsusulong ng postponement ay para bigyan ng sapat pang panahon ang Commission on Elections (Comelec) para sa paghahanda sa eleksiyon at para maisabay na rin sa halalan ang plebesito sa Charter Change.

Kapag tuluyan na maisabatas ang panukala, ito na ang ikatlong pagkakataon na maipagpapaliban ang Barangay at SK elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?