175
barangay-elections
Mar 19, 2018 @ 19:02
By

Postponement ng barangay, SK elections aprub na sa Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panuka na nagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan(SK) sa ikalawang Lunes ng Oktubre 2018 mula sa schedule na ikalawang Lunes ng darating na Mayo.

Sa botohan sa plenaryo, 164 ang pumabor at 27 naman ang tumutol sa House Bill 7378.

Nakasaad sa panukala na ang mga nakaupo ngayong barangay officials ay mananatili sa posisyon dahil sa probisyong hold over capacity.

Itinatakda rin sa bill na ang mga susunod na eleksiyon ay gaganapin sa ikalawang Lunes ng Oktubre 2021 at kada tatlong taon.

Kasunod ng pag-apruba sa panukala, iaakyat na ito sa Senado at maghihintay ng counterpart bill doon.

Gayunman, meron na lamang hanggang Miyerkoles ang Senado para magpasa ng sariling bersiyon ng panukala dahil hanggang Marso 23 na lamang ang sesyon ng Kongreso at sa Mayo 14 na ang balik.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?