street-sweeper
By

Posters ng ‘olats’ sa barangay, SK elections pinababaklas sa mga nanalo

Sharing is caring!

Ipinag-utos kahapon ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng nanalong barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials na tanggalin na ang lahat ng poster at iba pang campaign paraphernalia ng mga kumandidato.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, marapat lamang na linisin ng mga nanalo ang kani-kanilang mga kalat.

Aniya, ang mga natalo ay mahirap nang sumunod sa kanyang kautusan kaya ang mga nanalo ang kanyang mga inaatasan.

Sinabi ni Año, dapat matapos ang paglilinis at pagtatanggal sa campaign materials sa kanilang lugar bago matapos ang linggong ito.

Ang direktiba ni Año ay bilang tugon sa natanggap na ulat mula sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na umabot sa tatlong truck na basura ng posters, tarpaulins at plastic ang nahakot sa ilang lugar sa Metro Manila pagkatapos mismo ng halalan.

Bunsod ng nalalapit na pagbubukas ng klase sa Hunyo 4, napuna pa ng opisyal na maraming pampublikong eskuwelahan na ginamit bilang polling precincts ay mayroon pa ring mga election paraphernalia.

Binigyang-diin ni Año na dapat pamunuan mismo ng mga kumandidato ang isasagawang clean-up operations, lalo na ang mga nanalo bilang pagpapakita na responsable at sinsero sila na maging lider ng kanilang komunidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?