13,335

Nov 9, 2017 @ 19:05
By

Spelling ng ‘Philippines’ binaboy sa ASEAN posters

Sa kabila ng matinding paghahanda ng gobyerno para sa Association of Southeast Asian Summit (ASEAN) and Related Summit, hindi pa rin masasabing pulido ang lahat dahil sa mga agaw-pansin na ASEAN posters kung saan mali ang spelling ng Philippines .

Ilang netizens ang nakapansin sa mga posters at tarpaulins na nakakabit sa mga overpass at sa kahabaan ng EDSA dahil sa maling spelling ng Philippines.

Sa umiikot na kuhang larawan sa social media, “Philppines” ang nakasulat sa mga welcome posters para sa mga darating na dayuhang bisita sa bansa.

Wala pang sagot ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa mga palpak na posters kung aalisin at papalitan ang mga ito.

Kahapon ng umaga ay ipinagmalaki pa ni PCOO Assistant Secretary Kris Ablan na handang handa na ang gobyerno at nailatag na ang lahat ng mga gagawing hakbang para sa pagdaraos ng ASEAN sa Clarkfield , Pampanga at sa Metro Manila.

“Well, reading-ready na kami ‘no para sa ASEAN which will actually this weekend already in Clark and then moving to Manila by Monday. Kung nagda-drive kayo sa EDSA ‘no. Sa mga commuters natin sa EDSA, sinaksak na namin lahat ng mga poster na puwede malagay sa EDSA para mapansin ninyo na may ASEAN tayo, 31st ASEAN Summit tayo ngayong lingo,” ang pahayag ni Ablan. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?