10

Jan 16, 2021 @ 14:48
By

Post Malone magpapaulan ng Crocs

Mamimigay si American rapper at singer Post Malone ng 10,000 pares ng Crocs sa mga health worker ng US.

Ipamamahagi ang mga sapatos sa mga healthcare facility sa naturang bansa na partner ang Musicians On Call, isang nonprofit organzition, ayon sa isang press release.

Limited edition ang ipamimigay na sapatos na Post Malone x Crocs Duet Max Clog II na sold-out sa website ng Crocs.

Handog ito ng Crocs para sa serbisyo ng mga health worker sa kanilang bansa.

Ayon kay Pete Griffin, presidente ng Musicions on Call, ikinagalak nila ang donasyong ginawa ng Crocs at ng rapper.

“We are so grateful to Post Malone and Crocs for joining us in providing even more relief when they need it the most through this generous donation,” aniya.

Sinimulan ng Crocs ang pamamahagi ng mga sapatos para sa mga health worker noong Marso ng nakaraang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?