38

Jan 7, 2022 @ 11:18
By

Post graduate medical interns kunin para tumulong sa problemang pagsirit ng Covid — Duterte

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) na kunin ang serbisyo ng mga bagong graduate na duktor at nurses para tumulong sa mga hospital habang naghihintay ng resulta ng kanilang board exam.

Kasunod ito ng naging ulat ni Dr. Edsel Salvaña na nahihirapan ang medical health workers dahil tinamaan din ng Omicron virus ang mga ito kaya kailangan ang dagdag na medical staff sa mga hospital.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na kunin bilang volunteers ang mga medical intern at bayaran ang serbisyo ng mga ito.

Mahalaga aniyang tumulong ang mga bagong duktor at nurses ngayong pandemya lalo na at patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sinabi ng Presidente na kailangang paghandaan ang worst case scenario dahil sa halos pagtriple ng COVID cases pagkatapos ng holiday season.

“This is just a suggestion, maybe they can help this country, by volunteering to assist us kung ginusto lang nila. Tutal they have the knowledge of how to protect themselves, maybe they can help us by volunteering,” anang Pangulo.

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque na mayroon ng programa ang DOH para sa mga bagong nagtapos na medical students lalo na kapag punuan na ng mga pasyente sa mga pagamutan.

“Mayroon na po tayong programang ganoon na nakakatulong po sila on top of our regular human resource for health and we also have an augmentation program, Mr. President. So if hospitals are overwhelmed in Metro Manila, we deploy and augment our healthcare workers from the Visayas and Mindanao and from the neighboring Luzon DOH hospitals to help,” ani Duque.

Sakali aniyang kailangan pa ng mas maraming medical workers dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID, sinabi ni Duque sa Presidente na maaaring kunin ang tulong ng pulis at militar.

“As per your instruction, ‘yung augmentation from the Philippine National Police as well as the Armed Forces of the Philippines. So we are making sure that all available healthcare professionals will be on deck and prepare for the worst-case scenario,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?