98

Jul 6, 2020 @ 19:51
By

Position paper ng ABS CBN pinalagan ni Rep.Defensor

Pumalag si Anakalusugan Partylist Rep. Michael Defensor sa position paper ng ABS CBN kung saan ipinahiwatig nito na ipinapaalis umano ng kongresista ang news and public affairs ng network.

Giit ni Defensor, hindi niya kailanman sinabi na alisin ang news and public affairs ng network dahil sa pagiging bias.

“I never said take away news and public affairs due to biased reporting,” ayon kay Defensor.

Paliwanag pa ng kongresista, nagkaroon pa umano sila ng usapan sa pagdinig noong June 25 ng kinatawan ng ABSCBN at humingi ito ng tulong sa kanya para maiwasan ang pagpapasara sa TV Plus upang mapanatili ang trabaho ng kanilang mga empleyado.

“Ang sabi ko sa show na yun sa June 25 sana umabot tayo sa isang sitwasyon temporarily… siguro wala na muna yung news and public affairs division not to silence [it] but to allow the digibox to continue para sa inyong pabor,” dagdag ni Defensor.

Inako naman ni ABSCBN President and CEO Carlo Katigbak ang responsibilidad at sinabi sa mga kongresista na i-re-review ang statement at magsusumite ulit ng panibago.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?