55
IBP: Frontliners, COVID-19 patients huwag pandirihan
Mar 31, 2020 @ 20:32
By

Positibo sa COVID sa Laguna, lumobo

Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga nagpopositibo sa corona virus disease sa Laguna.

Base sa report ng Laguna provincial health office, kasalukuyang nasa 44 na ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan mula sa 42 kamakalawa ng hapon.

Pinakamataas pa rin ang positibong kaso ng covid 19 sa Sta Rosa na may 11 sinundan ito ng San Pedro na may 10, pito sa Calamba, 6 sa Bińan, 3 sa Cabuyao , tig tatlo naman sa Cabuyao at Los Baños, 2 sa Majayjay habang tig isang kaso sa Alaminos, Lumban, Nagcarlan, Pila at San Pablo.

Aabot naman sa 828 ang bilang persons under investigation (PUI) sa Laguna habang mahigit sa 5,000 ang persons under monitoring (PUM).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?