763

By

‘Posisyon sa Senado isakripisyo’, Pacquiao binanatan ng aktor

Binanatan ng aktor at manunulat na si Juan Miguel Severo ang pahayag ni Senador Manny Pacquiao na isasakripisyo umano nito ang lahat para manalo sa laban kay Keith Thurman.

Niretweet ng aktor ang post ng isang pahayagan tungkol sa pahayag ni Pacquiao kung saan ay sinabi ng boksingero at senador na, “I will sacrifice everything for a win” kalakip ang maikling video ng pageensayo nito.

“Sacrifice your seat in the senate please pambansang kamao,” banat ni Severo sa caption ng post.

Sumang-ayon naman ang ilang netizen sa pasaring na ito ni Severo.

Mayroon din namang nagtanggol sa senador at sinabing hindi lamang umano alam ni Severo ang mga naging accomplishment ni Pacquiao bilang senador at dapat na mag focus na lang umano si Severo sa ‘lousy’ acting nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?