71
Posisyon ni Sonny Angara, target kunin ni Imee Marcos
By

Posisyon ni Sonny Angara, target kunin ni Imee Marcos

Tila isa si incoming Senator Imee Marcos sa mga bagong mambabatas na nag-aasam na makakuha ng chairmanship sa isang kumite sa Senado.

Ayon kay Senate President Tito Sotto sa panayam sa ANC, sinisipat ni Marcos ang way Senate committee on ways and means

“What I heard is that Imee Marcos is interested in the ways and means,” saad ng Senate President.

Ang nasabing kumite ay hawak ngayon ni reelected Senator Sonny Angara.

Kung sakaling matuloy, balak ilagay si Angara sa Senate committee on finance na mababakante dahil sa pag-alis sa Senado ni outgoing Senator Loren Legarda na nanalo bilang kongresista sa Antique.

“The finance committee, nobody wants to take it so we’re going to elect Senator Sonny Angara to the finance committee whether he likes it or not,” saad ni Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?