By

Posisyon ng Malacañang kontra ‘endo’, isulat sa EO – Villanueva

Sharing is caring!

Iginiit ni Senador Joel Villanueva sa Malacañang na ituloy ang planong pagpapalabas ng executive order (EO) ukol sa kontraktwalisasyon ng mga manggagawa o tinatawag na “endo” o end-of-contract.

Sa isang executive order (EO) umano malalaman ang national policy ng Duterte administration ukol sa “endo”.

“That am really praying for because whatever it says there it will give us a clear pictue of this admins national policy on contractualization. Right now even DOLE couldn’t give us a concrete position on the issue,” ani Villanueva.

Ayon sa senador, na chairman ng Senate committee on labor, hanggang sa ngayon, hindi nagbibigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng kongkretong posisyon ukol sa “endo”.

Samantala’y hinihintay ng senador ang pangako na sesertipikahan ni Pangulong Duterte na urgent measure ang mga End to Endo Bill o Senate Bill 1116 kung saan layong higpitan ang regulasyon sa kontraktwalisasyon ng mga manggagawa.

Ang sertipikasyon ay maghuhudyat sa mga mambabatas para gawing prayoridad at agad na aprubahan ang panukalang batas.

Pinapipirmahan na ni Villanueva sa mga kapwa senador ang committee report ukol sa panukalang batas na target na maihatag sa plenaryo ng Senado sa pagbalik nila sa sesyon sa Mayo 14.

Sisikapin umano na maipasabatas iyon hanggang sa paghahayag ni Pangulong Duterte ng State of the Nation Address sa Hunyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?