54

Dec 27, 2019 @ 15:12
By

Posibleng sunod na Gilas coach, susubukan sa Dubai

Magsisilbing test run para kay Will Voight ang 2020 Dubai International Basketball Championship matapos siyang tapikin bilang assistant coach ng Mighty Sports.

Si Voight ay sasalang bilang isa sa deputy ni head coach Charles Tiu para sa tournament na sasalihan ng magkapatid na Juan at Javi Gomez de Liano, Kai Sotto at Andray Blatche.

Pasalamat naman si Tiu na makatrabaho ang naturang coach, na aging mentor na para sa Angola national basketball team, at sinipat bilang consultant para sa TNT KaTropa.

“I’ve always been a big fan of having international coaches out here to learn from them,” ayon kay Tiu.

“Will’s track record speaks for himself. He’s had a lot of different accomplishments already in the international basketball scene. I am very excited to learn from him.”

Umaapaw ang karanasan ni Voigt sa coaching, naging parte ng staff ng LA Clippers at San Antonio Spirs bago sumalang sa iba’t ibang club team tulad ng Shanxi Brave Dragons, Texas Longhorns at Bakersfield Jam.

Dati na ring nagpahayag ng kagustuhan ang 43-anyos na coach na maging mentor ng Gilas program matapos makaharap sa 2019 Fiba World Cup.

“I know Will has had some interest to coach here, I know he would love to be part of our national team, and even do some clinics here so when I got the chance to invite him, he was all for it,” sambit pa ni Tiu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?