253
calida
By

Posibleng pagsampa ng kaso kay Gazmin, binato na kay Calida

Ipinauubaya na ng abugado ng Malacañang kay Solicitor General Jose Calida ang posibilidad na kasuhan si dating Defense Secretary Voltaire Gazmin dahil sa pagpirma sa amnestiya ni senator Antonio Trillanes IV.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na si Calida ang may trabaho sa paghahabol ng mga kaso ng gobyerno kaya’t hihintayin na lamang kung ano ang magiging aksiyon ng Office of the Solicitor General sa ginawa ni Gazmin.

 Maybe the SolGen should respond to that. Trabaho niya iyon, hindi sa akin iyon. Usurpation of authority, if he — based on the documents, lumalabas siya ang nag-grant ng amnesty, when he is not… he doesn’t have the right to do so. As I said, kung iyan ang facts, then dapat lang gawin ang dapat,” ani Panelo.

Kapag napatunayan aniya na itinago ng ilang military official ang application form ng iba pang nag-apply ng amnestiya, kakasuhan ang mga ito.

Hindi aniya pupuwedeng itago o iwala ang mahalagang dokumento kaya’t mananagot kung sino ang mga may kasalanan.

“Pag tinago nila, we will sue them, hindi pupuwede iyan. Alam mo si Presidente, ang sabi niya, ‘there is only one program of government that I have: follow the law. Iyon lang, tapos and everything will follow, iyon ang sinasabi niya palagi,”dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?