52

By

Posibleng pag-takeover ng Chinese sa Hanjin shipyard, tsismis lang – Palasyo

Tinawag ng Malacañang na espekulasyon ang pangamba ng isang dating pinuno ng Philippine Navy na posibleng makompromiso ang seguridad ng bansa kapag na-takeover ng Chinese company ang Hanjin shipyard sa Subic.

Kasunod ito ng naging pahayag ni dating Navy chief Alexander Pama na posibleng mameligro ang seguridad ng Pilipinas kapag napunta sa kamay ng mga negosyanteng Chinese ang Hanjin Corporation na pag-aari ng South Korea.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi pa alam kung sino ang gustong sumalo sa naluging kumpanya ng barko kaya dapat iwasan ang mga espekulasyon.

“We’ll just be speculating. Hindi pa natin alam kung sinong gustong pumasok o sinong gustong mag-takeover. Sa ngayon nag-i-speculate pa tayo. We have to—puro tsismis eh,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na hindi niya makita ang lohika sa pangamba ng dating opisyal dahil ang dating may-ari ng Hanjin ay dayuhan din at kung papasok ang China ay dayuhan din ang mangangasiwa.

“Korean, oh ‘di foreign pa rin. Eh di ganoon pa rin. Bakit naman hindi tayo concerned sa ibang bansa tapos concerned tayo sa China. Interested pero hindi naman sinasabi na they are bidding for it. Nagpaparamdam pa lang sila. From what I gathered, mayroong Filipinong gustong mag-takeover. Maraming shipping magnate sa Pilipinas na can afford. So let’s wait,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?