23

Feb 22, 2021 @ 21:40
By

Posibleng MGCQ, masusing pinag-aaralan ni Pangulong Duterte

Wala pang desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung ilalagay na sa modified general community quarantine (MGCQ) status ang buong bansa.

Sa kabila ito ng lumalakas na panawagan para mabago na ang umiiral na general community sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na masusing binabalanse ng Presidente ang hirit ng kanyang economic team para makabawi ar makabangon ang ekonomiya ng bansa.

Ayon sa kalihim, ang mga datos at numero pa rin ang malakas na pagbabatayan ng Presidente bago makapagdeklara ng MGCQ.

“I cannot second guess the President. Ang sabi niya “let’s discuss it collegially again”. Pero ang sa akin ang tingin ko, inaabangan pa rin niya siyempre yung data analytics,” ani Roque.

Kumpiyansa naman si Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na aaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon dahil kailangang-kailangan ng makabangon ang nalugmok na ekononiya dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Hati naman ang posisyon ng mga alkalde sa Metro Manila sa planong MGC dahil lumabas sa boto ng mga alkalde na siyam ang pabor sa MGCQ habang walo naman ang ayaw pang luwagan ang umiiral na community quarantine status sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?