3,242

Dec 7, 2019 @ 17:37
By

Posibleng maging susunod na presidente, pinangalanan ni Duterte

Tiyak na sasakit umano ang ulo ng susunod na presidente dahil sa problema ng bansa.

Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod na rin ng maraming isyung kinakaharap ng bansa lalo na sa isyu ng corruption, terorismo pati na ang hindi matapos-tapos na problema sa kilusang komunista.

Sinabi ng Pangulo na sa kanyang administrasyon pa lamang ay napakaraming problemang nilulutas lalo na sa isyu ng korapsyon.

Kahit aniya nagpatupad ito ng mga hakbang para mareporma ang burukrasya, marami pa rin ang gumagawa ng katiwalian dahil nasisilaw sa salapi.

“Ewan ko lang kung sinong susunod na presidente nito. Marami siyang problema,” anang Pangulo.

Pinangalanan ng presidente sina Congressman Joey Salceda at Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero na susunod na posibleng maging presidente dahil alam na nila ang mga pasikot-sikot sa gobyerno.

“So the next president will come from Bicol. You have a choice of Salceda and Chiz Escudero,” anang Pangulo.

Bukod sa pagiging congressman ay naging gobernador ng Albay si Salceda at isang magaling na ekonomista habang si Escudero ay dating senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?